Lecture
MGA URI NG PAGKONSUMO
Pagkonsumo ang paggamit ng isang bagay o serbisyo na makapagbibigay ng kasiyahan sa mamimili. May apat na uri ng pagkonsumo :
1. tuwirang pagkonsumo – pagkonsumo na tuwirang tumutugon sa pangangailangan ng tao. Halimbawa : pag-inom ng tubig, kapag nauhaw
2. produktibong pagkonsumo – ang paraan ng paggawa ng isang produkto upang makagawa ng isang produkto upang makagawa ng iba pang bagay
Halimbawa : Ang paggamit ng tela at sinulid sa paggawa ng damit
3. maaksayang pagkonsumo – ang paggamit o ang pagbili ng produkto upang matugunan lamang sa kagustuhan ng tao. Halimbawa : Ang paggamit ng ilaw na hindi naman kinakailangan; ang pabayang paggamit ng tubig na hinahayaang tumulo mula sa gripo.
4. mapanganib na pagkonsumo – ang pagbili at paggamit ng produkto ay banta sa kalusugan ng tao. Halimbawa : ang labis na paninigarilyo, paglalasing at paggamit ng droga
EPEKTO NG PAG – AANUNSYO SA PAGKONSUMO
Maraming dahilan kung bakit bumibili ng produkto ang mamimili at
marami ring paraan kung bakit naaakit silang bumili ng produkto. Tinatawag
na pag-aanunsyo ang paraan nito upang hikayatin ang mga konsyumer na
tangkilikin ang isang produkto.Maaaring gamitin ang bandwagon na
nagpapakita ng dami ng tao na tumatangkilik sa produkto, testimonial o pag-
eendorso ng mga produkto ng mga kilalang tao at ang paraang brand o
pagpapakilala ng katangian ng produkto.
Ang magagandang salita na ikinakabit sa ipinakikilalang produkto ang
dahilan ng pagbabago sa pagkonsumo ng tao.Nadaragdagan ang binibiling
produkto ng tao bunga ng pag-aanunsyo.Nakakatulong ang pag-aanunsyo sa
mga mamimili at mga prodyuser ngunit nagiging daan ito upang magkaroon ng
masamang epekto sa mga mamimili
MGA SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSYA SA PAGKONSUMO
1. Presyo – ay ang halaga na katumbas ng isang produkto o serbisyo.Ito ang unang inaalam ng tao kung gustong n’yang bilhin ang produkto o serbisyo ayon sa budget kung kayang bilhin ang produkto o serbisyo batay sa presyo nito.
2. Panggagaya ( Imitation ) – Sinasabing ang mga Pilipino ay great imitators.Mahilig tayong bumili ng mga produkto na nakikita natin sa iba.Kapag nakita natin ang isang kaibigan na gumamit ng isang produkto, hinahangad natin na makagamit din nito.
3. Panahon – Ang pagkonsumo ay iniaayon natin sa mga produktong binibili sa kasalukuyang panahon.Halimbawa, sa panahon ng tag-ulan, mas mabili ang mga paying at jacket kaysa tag-araw, at mas nais ng tao na mag-swimming pag tag- araw kaya mabili ang swimsuit.
4. Pagpapahalaga ng Tao – Ang tao na nagpapahalaga sa pagtitipid ay nagtitimbang-timbang muna ng mga bagay bago ito bilhin. Higit na prayoridad ang pagbili ng mga pangunahing pangangailangan kaysa sa mga luho. Sinisigurado niya na magiging kapaki-pakinabang ang mga produktong bibilhin ng perang pinagpaguran.
5. Pag-aanunsyo – Sa pamamagitan ng mga magagandang salita na ginagamit dito, ay nakukuha ang atensyon at interes ng tao na bilhin ang isang produkto at serbisyo. Sa tulong ng pag-aanunsyo ay nadaragdagan ang dami ng produktong bibilhin.
6. Kita – Batay sa Engel’s Law of Consumption ni Ernst Engel, isang ekonomistang Aleman, malaking porsyento ng kita ng tao ang inilalaan sa pagkonsumo ng mga pangunahing pangangailangan, tulad ng pagkain. Ngunit kapag ang kita ay lumaki, ang porsyentong inilalaan para sa pagkain ay hindi kasinlaki ng inilalaan para sa pagkonsumo ng ibang produkto na bahagi ng kagustuhan ng tao.
MGA KARAPATAN NG MGA MAMIMILI
Binibigyan ng proteksyon ng pamahalaan ang mamimili sa pamamagitan ng pagkilala sa kanyang mga karapatan tulad :
1. Karapatan sa maayos at malinis na kapaligiran – dapat ang kapaligiran ng pamilihan, tindahan, kantina at iba pa ay malinis, maayos, at kaaya-aya para sa kasiyahan ng mga konsyumer at para sa kaligtasan mula sa mga sakit.
2. Karapatan na magtamo ng kaligtasan – ang mga binibiling mga pagkain ay dapat ligtas sa mga epekto ng Foot and Mouth Disease ( FMD ), cyanide, red tide, at iba pang sakit ng mga hayop at pagkaing dagat.Dapat ipaalam sa publiko ang ganitong sitwasyon upang maiwasan ang pinsala ng konsyumer.
3. Karapatan sa pagpili – may kalayaan ang mga konsyumer na pumili ng gusto nyang produkto. Sabi nga “ customer is always right.” Ang patakaran na no return, no exchange ay din a pinatutupad para sa kapakanan ng mga konsyumer.
4. Karapatang magkaroon ng edukasyon –ang mga konsyumer ay dapat bigyan ng pagkakataon na dumalo sa mga seminars, pagpupulong, at pagsasanay para maging matalinong konsyumer.
5. Karapatang magtatag ng organisasyon – ang pagtatatag ng mga samahan ng mga konsyumer ay mahalaga upang may mangangalaga at magbibigay ng proteksyon sa mga konsyumer kung sila ay magiging biktima ng pang-aabuso at pagsasamantala ng mga negosyante.
6. Karapatan sa tamang impormasyon – ang pag-alam sa mga sangkap ng produkto, presyo at expiration date ay karapatan ng mga konsyumer.
7. Karapatan na magkaroon ng pangunahing pangangailangan – ang pagkakaroon ng sapat na supply ng mga produkto, maayos na serbisyo, at makatarungang presyo ay dapat siguraduhin upang matamo ng mga konsyumer ang kasiyahan at matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
MGA KATANGIAN NG MATALINONG KONSYUMER
1. Mapanuri – bago bilhin ang isang produkto, matiyagang sinusuri ang lahat ng bahagi ng isang produkto.Pinag-aaralan ang sangkap, presyo, timbang , at expiration date ng produkto at inihahambing sa iba upang malaman ang kapakinabangang makukuha.
2. Hindi nagpapadala sa anunsyo – ang kalidad ng produkto at ang kapakinabangan na matatamo sa pagbili ng produkto ang isinasaalang-alang at hindi ang pag-aanunsyo ng produkto na kung saan kilalang tao ang ginagamit sa pag- eendorso.
3. Hindi nagpapadaya – ang matalinong konsyumer ay lagging alerto,mapagmasid, aktibo, at handa na labanan ang mga maling gawain ng mga tinder at negosyante.
4. Makatwiran – mahalaga ang bawat sentimo n gating pera,kaya sinisiguro ng bawat konsyumer na kapaki-pakinabang ang mga binibiling produkto. Masusing tinitingnan ang kalidad at presyo ng produkto dahil sa limitado ang budget sa pamimili. Iniisip din ang kasiyahan na matatamo sa pagpili at pagbili ng produkto.
5. May alternatibo – kailangang marunong humanap ang konsyumer ng alternatibong produkto na makatutugon din sa kanyang pangangailangan.Halimbawa, kung ang dating binibili na isda ay kulang ang supply sa pamilihan, hahanap sya ng kapalit nito.
6. Sumusunod sa budget – ang isang konsyumer ay hindi nagpapadala sa anunsyo at popularidad ng produkto na may mataas na presyo. At hangga’t maaari ay iniiwasan ng tao na mangutang para pantustos sa kanyang pamimili.
7. Hindi nagpa-panic buying – ang matalinong konsyumer ay hindi nababagabag sa artipisyal na kakulangan ng mga produkto sa pamilihan. Alam n’ya ang ganitong kalagayan ay pansamantala lamang na umiiral.
MGA BATAS NA MAGPOPROTEKTA SA MGA KONSYUMER
1. Batas Republika Blg.3542 ( Nagtatag ng National Grains Authority )
Ang National Grains Authority ay itinatag ng pamahalaan upang mamahala sa pagbili ng mga inaaning palay at bigas ng mga magsasaka at ipagbili ito sa mga konsyumer sa murang halaga.Ang gawaing ito ay ginagampanan ng National Food Authority ( NFA) sa kasalukuyan. Sinisiguro din ng ahensyang ito ang pagkakaroon ng sapat na supply ng bigas at pagkain sa bansa.
2. Batas Republika Blg. 71 ( Batas sa Price Tag )
Ang paglalagay ng price tag sa mga paninda ay mahigpit na ipinatutupad para ma-monitor at mabantayan kung tama ang presyo ng mga produkto ayon sa bansa.
3. Batas Republika Blg. 3740 ( Batas sa Pag-aanunsyo )
Ang pag-aanunsyo ng mga pekeng produkto ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas na ito.
4. Artikulo 1546 – Kodigo Sibil ng Pilipinas(Batas sa Pagbebenta)
Ang batas na ito ang nagbibigay garantiya sa mga konsyumer na walang nakatagong pinsala at depekto ang mga ibinebentang produkto. Ang sira, depekto, at pinsala ng mga produkto ay hindi dapat itago sa mga konsyumer.
5. Artikulo 188 – Binagong Kodigo Penal (Batas sa Trademark)
Mahigpit na ipinagbabawal ng batas na ito ang panggagaya o paggamit ng tatak, lalagyan at pambalot, at pangalan ng mga rehistradong produkto at kompanya.